News & events

18 Nov 2021

Notebook

Dumalo si dating Gobernador at ngayo’y OIC President ng NVSU Ruth Raña Padilla sa ribbon-cutting ceremony ng OTOP Philippines Hub- Nueva Vizcaya, isang proyekto ng Department of Trade and Industry Regional Office 02 (DTI R02) katuwang ang Provincial Local Government Unit of Nueva Vizcaya (PLGU-NV) at ng Nueva Vizcaya Government Employees Multi-Purpose Cooperative (NVGEMPC), na ginanap ngayong Huwebes ng umaga sa Nueva Vizcaya Livelihood and Pasalubong Center, Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Pinangunahan ang naturang ribbon-cutting ceremony nina Regional Director Leah Pulido Ocampo kasama sina Gobernador Carlos Padilla, Asisstant Regional Director Ruben Diciano at Provincial Director Henry Conel Jr.

Tampok sa nasabing OTOP Hub ang mga ipinagmamalaking mga produkto ng probinsiya.

Ilan sa mga ito ay mga hand woven products na gawa ng mga miyembro ng grupong IP gaya na lamang ng pitaka, facemask at maging ilan sa mga katutubong kasuotan, mayroon ding mga natural na inumin gaya ng passion fruit, bugnay juice at iba pa.

Naganap din sa naturang programa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing kung saan nilagdaan ito ng mga kinatawan ng mga nasabing ahensiya - Gobernador Carlos Padilla, Regional Director Leah Pulido Ocampo at Engr. Jonem Gacad na nirepresenta ni PAIAD Chief Jimmy Calata.